Marcos 1:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ito ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo, ang Anak ng Diyos.

2. Nagsimula ito noong matupad ang isinulat ni propeta Isaias,“Narito ang sugo ko na aking ipadadalang mauuna sa iyo;ihahanda niya ang iyong daraanan.

3. Ito ang pahayag ng isang taong sumisigaw sa ilang:‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon,gumawa kayo ng mga tuwid na landas na kanyang lalakaran!’”

4. At dumating nga sa ilang si Juan, na nagbabautismo at nangangaral. Sinabi niya sa mga tao, “Pagsisihan ninyo't talikuran ang inyong mga kasalanan at pabautismo kayo, upang kayo'y patawarin ng Diyos.”

Marcos 1