Lucas 19:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pumasok si Jesus sa Jerico at naglakad sa kabayanan.

2. May isang tao roong ang pangalan ay Zaqueo, isang pinuno ng mga maniningil ng buwis at napakayaman.

3. Sinisikap niyang makita si Jesus upang makilala kung sino ito, ngunit sa dami ng tao, hindi niya ito makita dahil sa siya'y pandak.

4. Kaya't patakbo siyang nauna sa dadaanan ni Jesus at umakyat sa isang puno ng sikamoro.

Lucas 19