Lucas 17:34-37 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

34. Sinasabi ko sa inyo, sa gabing iyon, may dalawang taong nasa isang higaan; kukunin ang isa at iiwan ang isa.

35-36. May dalawang babaing magkasamang nagtatrabaho sa gilingan; kukunin ang isa at iiwan ang isa.”

37. “Saan po, Panginoon?” tanong ng kanyang mga alagad.Sumagot siya, “Kung saan may bangkay, doon nagkakatipon ang mga buwitre.”

Lucas 17