Lucas 10:16-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. “Ang nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”

17. Masayang-masayang bumalik ang pitumpu't dalawa. Iniulat nila sa Panginoon, “Kahit po ang mga demonyo ay sumusuko sa amin dahil po sa kapangyarihan ng inyong pangalan.”

18. Sinabi sa kanila ni Jesus, “Nakita kong parang kidlat na nahulog si Satanas mula sa langit.

Lucas 10