Lucas 1:53-55 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

53. Pinasagana niya sa mabubuting bagay ang mga kapus-palad,at pinaalis nang walang dalang anuman ang mga mayayaman.

54. Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,at naalala ito upang kanyang kahabagan.

55. Tinupad niya ang kanyang pangako sa ating mga ninuno,kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”

Lucas 1