Levitico 7:21-24 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

21. Ititiwalag sa sambahayan ng Diyos ang sinumang makahawak ng marumi: tao, hayop o anumang bagay na karumal-dumal, at pagkatapos ay kumain ng handog pangkapayapaan.”

22. Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,

23. “Sabihin mo sa bayang Israel na huwag silang kakain ng taba ng baka, tupa o kambing.

24. Ang taba ng hayop na kusang namatay o ng hayop na niluray ng kapwa hayop ay maaaring gamitin sa ibang bagay, huwag lamang kakainin.

Levitico 7