Levitico 6:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,

2. “Nagkakasala ang sinumang magkaila tungkol sa isang bagay na inihabilin sa kanya, ang sumira sa kasunduan, ang magnakaw o magsamantala sa kapwa

3. at ang mag-angkin ng isang bagay na napulot at manumpang iyon ay wala sa kanya.

4. Babayaran niya ang kanyang ninakaw, o anumang napulot o inihabilin na inangkin niya.

Levitico 6