8. Tuwing Araw ng Pamamahinga, ang tinapay na ito ay ihahandog kay Yahweh. Ito'y gagawin ng bayang Israel sa habang panahon.
9. Pagkatapos ihandog, ang mga tinapay na iyon ay ibibigay kay Aaron at sa kanyang mga anak. Kakainin nila iyon sa isang banal na lugar sapagkat iyon ay inilaan kay Yahweh. Ito ay tuntuning dapat sundin habang panahon.”
12. Siya ay ipinakulong habang hinihintay ang pasya ni Yahweh.
13. At sinabi ni Yahweh kay Moises,
14. “Ilabas ninyo sa kampo ang nagmura. Ipatong sa ulo niya ang kamay ng lahat ng nakarinig sa kanya, at pagkatapos ay batuhin siya hanggang mamatay.
15. Sabihin mo sa bayang Israel na mananagot ang sinumang lumapastangan sa kanyang Diyos.
16. Ang lumapastangan sa pangalan ni Yahweh, maging katutubong Israelita o dayuhan, ay babatuhin ng taong-bayan hanggang sa mamatay.
17. “Ang sinumang pumatay ng kapwa ay papatayin din.
18. Kung hayop naman ang pinatay niya, papalitan niya iyon; kapag buhay ang inutang buhay rin ang kabayaran.
19. “Ang makapinsala sa kapwa ay pipinsalain din, tulad ng kanyang ginawa.