Levitico 22:9-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

9. “Dapat sundin ng mga pari ang mga tuntuning ito; kung hindi, magkakasala sila at mamamatay. Ako si Yahweh; inilaan ko sila para sa akin.

10. “Hindi makakakain ng anumang bagay na banal ang hindi ninyo kalahi. Hindi maaaring kumain nito ang mga nanunuluyan sa pari o bayarang manggagawa.

11. Ngunit ang aliping binili niya, o ipinanganak sa kanyang tahanan ay maaaring kumain niyon.

12. Hindi rin maaaring kumain nito ang babaing anak ng pari kung nag-asawa siya ng hindi pari.

Levitico 22