15. upang huwag magkaroon ng kapintasan sa harapan ng bayan ang magiging mga anak niya. Ako si Yahweh; inilaan ko siya para sa akin.”
16. Sinabi pa ni Yahweh kay Moises,
17. “Sabihin mo rin kay Aaron na ang sinuman sa lahi niya na may kapintasan o kapansanan ay hindi kailanman nararapat mag-alay ng handog sa akin.
18. Hindi maaaring lumapit sa altar ang sinumang bulag, pilay, may sira ang mukha, at may kapansanan sa katawan,
19. may bali sa paa o kamay,
20. may depekto sa mata, may sakit sa balat, kuba, unano, o isang kapon.