Levitico 16:27-30 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

27. Ilalabas naman sa kampo ang toro at ang kambing na inihandog para sa kasalanan. Ang balat, ang laman at ang mga dumi nito ay susunugin sa labas ng kampo.

28. Maglalaba ng kasuotan at maliligo ang nagsunog nito bago siya makabalik sa kampo.

29. “Ito ay tuntuning susundin ninyo magpakailanman. Tuwing ikasampung araw ng ikapitong buwan, mag-aayuno kayo at huwag magtatrabaho. Dapat itong tuparin ng lahat, maging Israelita o dayuhan,

30. sapagkat sa araw na ito ay tutubusin kayo sa inyong mga kasalanan upang maging malinis kayo sa harapan ni Yahweh.

Levitico 16