Levitico 15:17-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

17. Dapat labhan ang alinmang kasuotang yari sa tela o balat ng hayop na nabahiran nito, at hugasan ang alinmang bahagi ng katawan na natuluan ng binhi; iyo'y ituturing na marumi hanggang gabi.

18. Pagkatapos magtalik ang isang lalaki at isang babae, dapat maligo silang pareho; sila'y ituturing na marumi hanggang gabi.

19. “Ang sinumang babaing nireregla ay pitong araw na ituturing na marumi. Ituturing ding marumi hanggang gabi ang makahawak sa kanya.

Levitico 15