Levitico 14:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh kay Moises,

2. “Ganito naman ang tuntunin sa paglilinis ng taong may sakit sa balat na parang ketong. Sa araw na siya'y lilinisin, haharap siya sa pari

3. sa labas ng kampo at susuriin. Kung magaling na ang maysakit,

4. magpapakuha ang pari ng dalawang ibong buháy at malinis, kapirasong kahoy na sedar, pulang lana at hisopo.

5. Ipapapatay sa kanya ng pari ang isang ibon sa tapat ng isang bangang may tubig na galing sa bukal.

Levitico 14