Levitico 13:56-59 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

56. “Ngunit kung mapuna niyang kumupas ang mantsa, ang bahaging iyo'y gugupitin niya sa damit o kagamitang yari sa tela o balat.

57. At kung may lumitaw pang ibang mantsa, ang damit ay dapat nang sunugin.

58. Ngunit kung malabhan ang damit, kagamitang yari sa balat o sinulid, at maalis ang mantsa, ito'y lalabhang muli at ituturing nang malinis.”

59. Ito ang tuntunin tungkol sa mga amag ng anumang kasuotang damit o balat upang malaman kung marumi o malinis ang mga iyon.

Levitico 13