Levitico 13:36-39 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

36. susuriin siya ng pari. Kung kumakalat ang sugat, ang taong iyon ay ituturing na marumi kahit hindi naninilaw ang buhok sa may sugat.

37. Kung sa tingin ng pari ay hindi kumakalat ang sugat at tinutubuan na ito ng itim na buhok, magaling na ang taong iyon at ituturing nang malinis.

38. “Kung ang sinumang babae o lalaki ay magkaroon ng mga batik na puti sa kanyang balat,

39. susuriin siya ng pari. Kung hindi masyadong maputi ang batik, an-an lamang iyon; siya'y ituturing na malinis.

Levitico 13