Juan 9:16-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Ang sabi ng ilang Pariseo, “Hindi maaaring mula sa Diyos ang taong iyon, sapagkat hindi niya ipinapangilin ang Araw ng Pamamahinga.” Ngunit sinabi naman ng iba, “Paanong makakagawa ng ganitong mga himala ang isang makasalanan?” At hindi sila magkaisa.

17. Kaya't tinanong nilang muli ang dating bulag, “At ikaw, ano naman ang masasabi mo tungkol sa kanya, dahil pinagaling niya ang iyong mga mata?”“Isa siyang propeta!” sagot niya.

18. Ayaw maniwala ng mga Judio na siya'y talagang dating bulag kaya't ipinatawag nila ang kanyang mga magulang.

19. “Anak nga ba ninyo ito? Talaga bang siya'y ipinanganak na bulag? Bakit nakakakita na siya ngayon?” tanong nila.

20. Sumagot ang kanyang mga magulang, “Anak nga namin siya at siya'y ipinanganak ngang bulag.

Juan 9