6. Itinanong nila ito upang subukin siya, at nang may maiparatang sila laban sa kanya.Ngunit yumuko lamang si Jesus at sumulat sa lupa sa pamamagitan ng daliri.
7. Patuloy sila sa pagtatanong kaya't tumayo si Jesus at nagsalita, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya.”
8. At muli siyang yumuko at sumulat sa lupa.
9. Nang marinig nila iyon, sila'y isa-isang umalis, simula sa pinakamatanda. Iniwan nila ang babaing nakatayo sa harap ni Jesus.