Juan 7:8-11 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Kayo na lamang ang pumunta sa pista. Hindi ako pupunta sapagkat hindi pa ito ang tamang panahon.”

9. Pagkasabi nito, nagpaiwan siya sa Galilea.

10. Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Jesus ay palihim na pumunta rin sa pista.

11. Hinahanap siya roon ng mga Judio. “Nasaan kaya siya?” tanong nila.

Juan 7