Juan 6:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Pagkatapos nito, tumawid si Jesus sa ibayo ng Lawa ng Galilea, na tinatawag ding Lawa ng Tiberias.

2. Sinundan siya ng napakaraming tao sapagkat nakita nila ang pagpapagaling niya sa mga maysakit.

3. Umakyat si Jesus sa bundok kasama ang kanyang mga alagad at naupo roon.

4. Noon ay malapit na ang Paskwa ng mga Judio.

5. Tumanaw si Jesus at nang makita niyang dumarating ang napakaraming tao, tinanong niya si Felipe, “Saan kaya tayo makakabili ng tinapay upang makakain ang mga taong ito?”

Juan 6