Juan 5:7-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

7. Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.”

8. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.”

9. Noon di'y gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan, at lumakad.Noo'y Araw ng Pamamahinga

10. kaya't sinabi ng mga pinuno ng mga Judio sa lalaking pinagaling, “Araw ng Pamamahinga ngayon! Labag sa Kautusan na dalhin mo ang iyong higaan.”

Juan 5