Juan 5:3-4-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. May isang lalaki doon na tatlumpu't walong taon nang may sakit.

6. Nakita siya ni Jesus at alam niyang matagal nang may sakit ang lalaki kaya't tinanong niya ito, “Gusto mo bang gumaling?”

7. Sumagot ang maysakit, “Ginoo, wala pong maglusong sa akin kapag gumalaw na ang tubig; papunta pa lamang ako, may nauuna na sa akin.”

8. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Tumayo ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad ka.”

9. Noon di'y gumaling ang lalaki, binuhat ang kanyang higaan, at lumakad.Noo'y Araw ng Pamamahinga

Juan 5