Juan 5:28-42 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3-4. Nasa paligid nito ang maraming maysakit, mga bulag, mga pilay, at mga paralitiko.

28. Huwag ninyo itong pagtakhan, sapagkat darating ang oras na maririnig ng mga patay ang kanyang tinig.

29. Sila'y muling mabubuhay; lahat ng gumawa ng kabutihan ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay paparusahan.”

30. “Hindi ako gumagawa dahil sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama, kaya't matuwid ang hatol ko. Hindi ang sarili kong kalooban ang aking sinusunod kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.

31. “Kung ako lamang ang nagpapatotoo tungkol sa aking sarili, ang patotoo ko ay walang katotohanan.

32. Ngunit may ibang nagpapatotoo tungkol sa akin, at totoo ang kanyang sinasabi.

33. Nagpasugo kayo kay Juan at nagpatotoo siya tungkol sa katotohanan.

34. Hindi galing sa tao ang aking patotoo; sinasabi ko ito upang kayo ay maligtas.

35. Si Juan ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo'y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag.

36. Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit pa sa patotoo ni Juan, ang mga gawaing ipinapagawa sa akin ng Ama ang siya ko namang ginaganap; iyan ang nagpapatotoo na ako'y isinugo ng Ama.

37. At ang Ama na nagsugo sa akin ay nagpapatotoo rin tungkol sa akin. Kailanma'y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig ni nakita man ang kanyang anyo.

38. Hindi nanatili sa inyong mga puso ang kanyang salita sapagkat hindi kayo sumasampalataya sa isinugo niya.

39. Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sa paniwalang doon ninyo matatagpuan ang buhay na walang hanggan. Ang mga Kasulatang iyan ang nagpapatotoo tungkol sa akin!

40. Ngunit ayaw naman ninyong lumapit sa akin upang kayo'y magkaroon ng buhay.

41. “Hindi ako naghahangad ng parangal ng tao.

42. Subalit kilala ko kayo; alam kong wala sa inyo ang pag-ibig ng Diyos.

Juan 5