Juan 4:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Nabalitaan ng mga Pariseo na si Jesus ay mas maraming nahihikayat na maging alagad at nababautismuhan kaysa kay Juan.

2. Ngunit ang totoo'y hindi si Jesus mismo ang nagbabautismo, kundi ang kanyang mga alagad.

3. Nang ito'y malaman ni Jesus, siya'y umalis sa Judea at bumalik sa Galilea

4. ngunit kailangang sa Samaria siya dumaan.

Juan 4