Juan 20:8-12 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

8. Pumasok din ang alagad na naunang dumating at nakita niya ito, at siya'y naniwala.

9. Hindi pa nila nauunawaan noon na si Jesus ay kailangang muling mabuhay ayon sa kasulatan.

10. At umuwi ang mga alagad.

11. Si Maria ay nakatayong umiiyak sa labas ng libingan. Nang yumuko siya at sumilip sa loob,

12. may nakita siyang dalawang anghel na nakadamit ng puti at nakaupo sa pinaglagyan ng bangkay ni Jesus, ang isa'y sa gawing ulunan at ang isa nama'y sa paanan.

Juan 20