16. Kaya't ibinigay sa kanila ni Pilato si Jesus upang siya'y maipako sa krus.Kinuha nga nila si Jesus.
17. Inilabas siyang pasan ang kanyang krus papunta sa lugar na kung tawagi'y “Lugar ng Bungo,” Golgotha sa wikang Hebreo.
18. Pagdating doon, siya'y ipinako sa krus, kasama ng dalawa pa; isa sa gawing kanan at isa sa kaliwa.
19. Isinulat ni Pilato ang ganitong mga salita at ipinalagay sa krus: “Si Jesus na taga-Nazaret, ang Hari ng mga Judio.”