Juan 10:19-23 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

19. Dahil sa mga pananalitang ito, hindi na naman nagkaisa ng palagay ang mga Judio.

20. Marami sa kanila ang nagsabi, “Sinasapian siya ng demonyo at nababaliw! Bakit kayo makikinig sa kanya?”

21. Sinabi naman ng iba, “Hindi makakapagsalita nang ganoon ang isang sinasapian ng demonyo! Nakapagpapagaling ba ng bulag ang demonyo?”

22. Taglamig na noon at kasalukuyang ipinagdiriwang sa Jerusalem ang Pista ng Pagtatalaga ng Templo.

23. Habang naglalakad si Jesus sa Templo, sa Portiko ni Solomon,

Juan 10