Josue 21:11-20 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Tinanggap nila ang Lunsod ng Arba (si Arba ang ninuno ng mga Anaceo) na ngayo'y tinatawag na Hebron sa kaburulan ng Juda. Kasama nito ang mga pastulan sa palibot.

12. Ngunit ang mga bukirin ng bayan at ng mga nayon ay ibinigay na kay Caleb na anak ni Jefune, bilang kanyang bahagi sa lupain.

13. Ito pa ang mga lunsod na ibinigay sa mga anak ng paring si Aaron: ang Hebron na isa sa mga lunsod-kanlungan, at ang mga pastulang sakop nito; ang Libna, kasama rin ang mga pastulan nito;

14. ang Jatir, Estemoa,

15. Holon, Debir,

16. Ayin, Juta at Beth-semes, kasama rin ang mga pastulan nito. Siyam na lunsod ang galing sa mga lipi ni Simeon at ni Juda.

17. Mula naman sa lipi ni Benjamin, tinanggap nila ang Gibeon, Geba,

18. Anatot, at Almon—apat na lunsod, kasama ang pastulan ng mga ito.

19. Lahat-lahat, ang mga angkang ito buhat sa lahi ni Aaron ay tumanggap ng labing-tatlong lunsod, kasama ang mga pastulan nito.

20. Ang ibang mga Levita sa angkan ni Kohat ay tumanggap ng ilang lunsod mula sa lipi ni Efraim.

Josue 21