Josue 19:23-28 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

23. Ang mga lunsod at bayang ito ang bahaging napunta sa lipi ni Isacar.

24. Napunta naman sa lipi ni Asher ang ikalimang bahagi.

25. Sakop nito ang Helcat, Hali, Bethen at Acsaf;

26. ang Alamelec, Amad at Misal; abot sa Carmelo at sa Sihor-libnat ang hangganan sa kanluran.

27. Sa pasilangan naman, ang hanggana'y nagtungo sa Beth-dagon, at sa pahilaga, nagdaan sa gilid ng Zebulun at sa Kapatagan ng Jefte-el patungong Beth-emec at Neiel at nagtuloy sa Cabul.

28. Saklaw pa rin sa gawing hilaga ang Ebron, Rehob, Hamon, Cana at hanggang sa Dakilang Sidon.

Josue 19