Josue 16:1-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang lupaing napapunta sa angkan ni Jose ay nagsisimula sa Jordan sa tapat ng Jerico—sa silangan ng batis ng Jerico; papunta sa ilang, at umahon sa kaburulan hanggang sa Bethel;

2. buhat sa Bethel ay nagtuloy sa Luz at nilakbay ang Atarot na lupain ng mga Arkita;

3. bumabâ pakanluran sa lupain ng mga Jaflatita, nagdaan sa hangganan ng Timog Beth-horon, tumuloy ng Gezer, at nagwakas sa Dagat Mediteraneo.

4. Ito ang lupaing napapunta sa angkan ni Jose, sa mga lipi ni Efraim at Manases.

Josue 16