Josue 10:31-36 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

31. Pagkatapos nito, kinubkob naman at sinalakay ni Josue at ng mga Israelita ang Laquis.

32. Sa ikalawang araw ng labanan, muli silang pinagtagumpay ni Yahweh. Nilipol din nila ang lahat ng tagaroon tulad ng ginawa nila sa Libna.

33. Si Horam, na hari ng Gezer, ay sumaklolo sa mga taga-Laquis. Ngunit tinalo rin sila ni Josue at walang itinirang buháy sa kanyang mga tauhan.

34. Buhat sa Laquis, kinubkob at sinalakay ni Josue at ng mga Israelita ang Eglon.

35. Sa araw ring iyon, nasakop nila ang Eglon at pinatay ang lahat ng tagaroon, tulad ng ginawa nila sa Laquis.

36. Pagkatapos nito, si Josue at ang buong hukbo ng Israel ay umakyat sa mga bulubundukin at sinalakay nila ang Hebron.

Josue 10