Joel 3:1-10 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi ni Yahweh,“Pagsapit ng araw na iyon,pasasaganain kong muli ang Juda at ang Jerusalem.

2. Titipunin ko ang lahat ng bansaat dadalhin sa Libis ng Jehoshafat.Doon ko sila hahatulanayon sa ginawa nila sa aking bayan.Pinangalat nila sa iba't ibang bansa ang mga Israelitaat pinaghati-hatian ang aking lupain.

3. Nagpalabunutan sila upang magpasyakung kanino mapupunta ang mga bihag.Ipinagbili nila ang mga bata bilang mga alipinupang ang pinagbilhan ay ibili naman ng alak at ibayad sa mga babaing parausan.

4. “Ano ang ginagawa ninyo sa akin, kayong mga taga-Tiro, Sidon at Filistia? Sinusuhulan ba ninyo ako bilang kapalit ng isang bagay? Kung gayon, mabilis ko kayong gagantihan!

5. Kinuha ninyo ang aking pilak, ginto at mga kayamanan at dinala ang mga ito sa inyong mga templo.

6. Binihag ninyo at inilayo sa kanilang bayan ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem at ipinagbili sa mga Griego.

7. Pauuwiin ko na sila mula sa mga dakong pinagtapunan ninyo sa kanila. Ipararanas ko naman sa inyo ang ginawa ninyo sa kanila.

8. Ipagbibili ko ang inyong mga anak sa mga taga-Juda upang ipagbili naman nila sa mga Sabeo.” Iyan ang sinabi ni Yahweh.

9. “Ipahayag mo ito sa mga bansa:Humanda kayo sa isang digmaan.Tawagin ninyo ang inyong mga mandirigma,tipunin ninyong lahat ang inyong mga kawal at sumalakay kayo!

10. Gawin ninyong tabak ang inyong mga araroat gawing sibat ang mga panggapas.Pati ang mahihina ay kailangang makipaglaban.

Joel 3