Joel 2:2-18 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Ito'y makulimlim at malungkot na araw,madilim ang buong kapaligiran;at lilitaw ang napakakapal na balangtulad ng paglaganap ng dilim sa kabundukan.Hindi pa nangyayari ang ganito nang mga nakaraang panahon,at hindi na mangyayari pang muli maging sa darating na panahon.

3. Nilalamon nilang tulad ng apoy ang mga halaman.Parang halamanan ng Eden ang lupain bago sila dumating,ngunit naging malungkot na ilang nang kanilang iwan;wala silang itinira.

4. Parang mga kabayo ang kanilang anyo,waring mga kabayong pandigma kung sila'y tumakbo.

5. Kapag dumaraan sila sa ibabaw ng mga bundok,ang ingay nila ay parang rumaragasang karwahe,parang tuyong damo na sinusunog.Nakahanay sila, tulad ng isang hukbo na handang makipagdigma.

6. Habang sila'y papalapit, nasisindak ang lahat;namumutla sa takot ang bawat isa.

7. Sumasalakay sila, gaya ng mga mandirigma;inaakyat nila ang mga pader gaya ng mga kawal.Walang lingun-lingon silang sumusugod.Walang lumilihis sa landas na tinatahak.

8. Lumulusot sila sa mga tanggulanat walang makakapigil sa kanila.

9. Sinasalakay nila ang lunsod,inaakyat ang mga pader;pinapasok ang mga bahay,lumulusot sila sa mga bintana, gaya ng mga magnanakaw.

10. Sa pagdaan nila'y nayayanig ang lupa;at umuuga ang langit.Nagdidilim ang araw at ang buwan,at pati mga bitui'y ayaw nang magliwanag.

11. Parang kulog ang tinig ni Yahweh, kung mag-utos sa kanyang hukbo.Ang mga pangkat na tumatalima sa kanyaay marami at malalakas.Nakakapangilabot ang araw ni Yahweh!Sino ang makakatagal dito?

12. “Gayunman,” sabi ni Yahweh,“mataimtim kayong magsisi at manumbalik sa akin;mag-ayuno kayo, manangis at magdalamhati.

13. Magsisi kayo nang taos sa puso,at hindi pakitang-tao lamang.”Magbalik-loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos!Siya'y mahabagin at mapagmahal,hindi madaling magalit at wagas ang pag-ibig;laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa sa nagsisisi.

14. Maaaring lingapin kayong muli ni Yahweh na inyong Diyosat bigyan kayo ng masaganang ani.Kung magkagayon, mahahandugan ninyo siya ng handog na pagkaing butil at alak.

15. Hipan ninyo ang trumpeta sa ibabaw ng Bundok ng Zion!Tipunin ninyo ang mga tao at ipag-utos ninyo na mag-ayuno ang lahat!

16. Tawagin ninyo ang mga taopara sa isang banal na pagtitipon.Tipunin ninyo ang lahat, matatanda at bata,pati mga sanggol at maging ang mga bagong kasal.

17. Mga pari, tumayo kayosa pagitan ng altar at ng pasukan ng Templo,manangis kayo't manalangin nang ganito:“Mahabag ka sa iyong bayan, O Yahweh!Huwag mong hayaang kami'y hamakin at pagtawanan ng ibang mga bansaat tanungin, ‘Nasaan ang inyong Diyos?’”

18. Pagkatapos, ipinakita niya ang malasakit niya sa lupain,at naawa siya sa kanyang bayan.

Joel 2