Joel 1:16-19 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

16. Di ba't kitang-kita natin ang pagkasira ng mga pananim,at ang pagkapawi ng kagalakan at kasiyahan sa templo ng ating Diyos?

17. Hindi sumisibol ang mga binhi sa tigang na lupa.Walang laman ang mga kamalig,at wasak ang mga imbakan, sapagkat ang mga trigo ay hindi sumibol.

18. Umungal ang mga bakasapagkat walang mapagpastulan sa kanila.Gayundin naman, ang mga kawan ng tupa ay wala na ring makain.

19. O Yahweh, dumaraing ako sa iyo,sapagkat natuyo ang mga pastulan,at ang mga punongkahoy ay parang sinunog ng apoy.

Joel 1