1. Ang aklat na ito ay naglalaman ng mensahe ni Yahweh sa pamamagitan ni Joel na anak ni Petuel.
2. Makinig kayo, matatandang pinuno,pakinggan ninyo ito, lahat ng nasa Juda.May nangyari na bang ganito sa inyong panahon,o sa panahon ng inyong mga ninuno?
3. Isalaysay ninyo ito sa inyong mga anak,upang maisalaysay naman nila ito sa magiging mga anak nila,at sila ang magsasabi nito sa kasunod nilang salinlahi.
4. Pinagsawaan ng laksa-laksang balang ang mga pananim;kinain ng sumunod ang natira ng una.
5. Gumising kayo at tumangis, mga maglalasing!Umiyak kayo, mga manginginom!Sapagkat wala nang ubas na magagawang alak.