Job 5:1-5 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Sumigaw ka, Job, kung may sasagot sa iyo.Mayroon bang anghel na sa iyo'y sasaklolo?

2. Ang sama ng loob ay pumapatay sa mga taong hangal.Ang pagkainggit ay kumikitil sa mga taong mangmang.

3. Nakakita na ako ng mga hangal na panatag kung titingnan,ngunit bigla kong sinusumpa ang kanilang mga tahanan.

4. Walang matakbuhan ang kanilang mga anak,walang sinuman ang sa kanila'y magligtas.

5. Ang kanilang ani'y kinakain ng mga gutom,kahit ang nasa tinikan, inaagaw sa kanila.Ninanasa ng mga uhaw ang kayamanan nila.

Job 5