18. Kung siya ay bumahin, ang ilong ay nag-aapoy,mata niya'y mapula parang araw sa dapit-hapon.
19. Mula sa bibig niya'y may apoy na lumalabas,mga baga ng apoy ang doo'y sumisiklab.
20. Sa ilong niya'y nanggagaling ang makapal na usok,parang usok na nagmumula sa kumukulong palayok at damong sinusunog.
21. Hininga niya'y nagbabaga, sa init ay nag-aalab;naglalagablab na apoy sa bibig niya'y nagbubuhat.
22. Ang kanyang leeg nama'y puno ng kalakasan,sinumang makakita sa kanya'y kinikilabutan.
23. Walang mahinang bahagi sa kanyang balat,tulad ng bakal, matigas at makunat.
24. Ang tigas ng kanyang puso, bato ang katulad,gaya ng batong gilingan sa tibay at tatag.
25. Kapag siya ay tumayo masisindak rin ang pinakamalakas,wala silang magawâ, at sa takot ay tumatakas.
26. Pagkat siya'y di tatablan kahit na ng tabak,maging ng palaso, ng punyal o ng sibat.
27. Sa kanya ang bakal ay parang dayaming marupok,ang katulad nitong tanso ay kahoy na nabubulok.
28. Sa palaso'y hindi siya maaaring mapatakbo,sa kanya'y parang dayami ang tirador at ang bato.
29. Kahoy na panghampas sa kanya'y para lamang patpat,tumatawa lamang siya kapag siya'y sinisibat.
30. Kaliskis ng kanyang tiyan ay napakatalas,at sa putik na daanan, nag-iiwan ng mga bakas.
31. Kaya niyang pakuluin ang malalim na tubig,hinahalo niya ang dagat na parang palayok ng langis.
32. Ang kanyang madaana'y kumikislap sa liwanag,ang akala mo sa tubig, puting buhok ang katulad.