Job 38:5-9 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Sino ang nagpasya tungkol sa lawak nito?Sino ang sumukat, alam mo ba ito?

6. Sino ang may hawak ng mga haligi ng mundo?Sino ang naglagay ng mga panulukang-bato?

7. Noong umagang iyon, ang mga bitui'y nag-awitan,at mga nilalang sa langit, sa tuwa'y nagsigawan.

8. “Sino ang humarang sa agos ng dagat,nang mula sa kalaliman ito'y sumambulat?

9. Tinakpan ko ang dagat ng ulap na makapal,at binalutan ito ng kadiliman.

Job 38