Job 34:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Sinabi pa ni Elihu,

2. “Makinig kayo, matatalinong tao,itong sinasabi ko ay pakinggan ninyo.

3. Tulad ng masarap na pagkaing inyong natikman,salita ng karunungan, nawa'y inyong pakinggan.

4. Atin ngang talakayin itong usapin,kung ano ang tama ay ating alamin.

5. Ayon dito kay Job ay wala siyang sala,at katarungan ay ipinagkakait daw sa kanya.

6. Bagama't matuwid itinuring na sinungaling siya,at tinadtad ng sugat kahit na walang sala.

14-15. Kapag binawi ng Diyos ang hininga ng tao,sila'y mamamatay at sa alabok ang kanilang tungo.

Job 34