Job 27:3-4-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

5. Hindi ko matatanggap na kayo ang may katuwiran,igigiit hanggang kamatayan na ako'y walang kasalanan.

6. Hindi ko isusuko ang aking katuwiran,budhi ko'y malinis, di ako sinusumbatan.

7. “Parusahan nawa ang lahat ng sa aki'y lumalapastangan;ituring nawa silang lahat na makasalanan.

8. Ang makasalana'y mayroon pa bang pag-asa,kapag binawi na ng Diyos ang buhay na taglay niya?

9. Pagsapit ng kaguluhan, papakinggan kaya ng Diyos ang kanyang panawagan?

Job 27