Job 23:4-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

4. Ihaharap ko sa kanya ang aking kalagayanat ilalahad kong lahat ang aking katuwiran.

5. Gusto kong malaman ang isasagot niya sa akin;nais kong maunawaan ang kanyang sasabihin.

6. Gagamitin kaya sa akin ang lahat niyang kapangyarihan?Hindi! Sa halip, hinaing ko'y kanyang papakinggan.

Job 23