Job 22:12-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

12. “Di ba't ang Diyos ay nasa mataas na kalangitan,at ang mga bituin sa itaas ay kanyang tinutunghayan?

13. Ngunit ang sabi mo, ‘Ang Diyos ay walang nalalaman,at hindi tayo mahahatulan, pagkat sa ulap siya'y natatakpan.’

14. Akala mo'y dahil sa ulap ay di na siya makakakita,at sa ibabaw ng himpapawid, ay palakad-lakad lang siya.

15. “Talaga bang nais mong lakaran ang dating daan,landas na tinahak ng mga nasanay sa kasamaan?

16. Kahit wala pa sa panahon sila'y tinatangay na ng baha,sapagkat ang kanilang pundasyon ay lubos na nagiba.

17. Sinabi nila sa Diyos na sila'y kanyang layuan,at wala naman daw magagawa sa kanila ang Diyos na Makapangyarihan.

18. Sa kabila nito, sila pa rin ay pinagpala;di ko talaga maunawaan ang pag-iisip ng masama.

19. Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalakkapag nakita nilang ang masama'y napapahamak.

20. Sabi nila, ‘Ang mga kaaway nati'y nalugmok,at ang mga ari-arian nila ay natupok.’

21. “Sumang-ayon ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya,ang buhay mo'y gaganda at magiging maginhawa.

Job 22