4. Sarili mo lang ang iyong sinasaktan, dahil sa galit na iyong tinataglay.Pababayaan ba ang daigdig dahil lamang sa iyo,at aalisin ang mga bundok sa kanilang puwesto?
5. “Ang ilaw ng masama'y tiyak na papatayin,ang kanyang apoy ay di na papaningasin.
6. Ang ilaw sa kanyang tahana'y pagdidilimin.
7. Ang matatag niyang hakbang ngayon ay nabubuwal,pagbagsak niya'y nalalapit sa kanya ring kasamaan.
8. Di niya namamalayang ang kanyang mga paa ay sa bitag pupunta,
9. kaya naman nasisilo itong kanyang mga paa.