Job 16:10-21 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

10. Nilalait ako ng mga tao,pinapaligiran at sinasampal ako.

11. Ipinaubaya na ako ng Diyos sa masasama, pinabayaan sa mga taong walang awa.

12. Sa aking pananahimik,ako'y kanyang ginambala,sinakal, dinurog at pinuntirya ng pana.

13. Tinatamaan ako ng pana sa kabi-kabila,sugat ko'y malubhangunit wala pa rin siyang awa.

14. Paulit-ulit niya akong sinusugatan,para siyang mandirigmang galit na galit sa kalaban.

15. “Ako'y nakasuot ng damit-panluksa,nakaupo sa alikabok, katawa'y nanghihina.

16. Sa kaiiyak ko'y pula na ang aking mukha,mata ko'y wala nang makita pagkat namamaga.

17. Wala naman akong ginagawang masama,panalangin ko sa Diyos ay tapat at walang daya.

18. “Huwag mong tabunan, O Lupa, ang aking kaapihan,huwag ipagkait sa akin ang hangad kong katarungan!

19. Ang aking testigo ay nasa langit,siyang tatayo't magtatanggol ng aking panig.

20. Mga kaibigan ko ang sa aki'y humahamak,kaya sa Diyos na lamang ako ay iiyak.

21. “May magtanggol sana sa akin sa harap ng Maykapal,tulad ng pagpanig ng isang tao sa kanyang kaibigan.

Job 16