Job 15:26-27-35 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

3. Ang sinasabi mo'y salita ng isang hangal,di ka maililigtas ng salitang walang saysay.

4. Kung ikaw ang masusunod, wala nang matatakot sa Diyos,at nais mong hadlangan ang sa kanya'y dumudulog.

5. Kasamaan mo'y nahahalata sa iyong mga salita,nais mo pang magtago sa mga salitang may daya.

6. Kaya nga ang humahatol sa iyo ay hindi ako,salita mong binibigkas ang humatol sa iyo.

7. “Akala mo ba'y ikaw ang unang taong isinilang?Nauna ka pa ba sa mga kabundukan?

8. Naroon ka ba nang sabihin ng Diyos ang kanyang plano,o sa palagay mo'y ikaw lang ang may talino?

9. Ano ba ang alam mo na di namin nalalaman?Lahat ng naiintindihan mo'y amin ding nauunawaan.

26-27. Ipinagmamalaki pa ang ginagawang pagsuwayat ang palagi niyang hawak ay kanyang kalasag,at ang hangad ay habulin at labanan ang Maykapal.

28. Siya ay nanakop ng maraming bayan,mga bahay na nilisan ay kanyang kinamkam,ngunit mga iyon ay mawawasak pagdating ng digmaan.

29. Ang kayamanan niya ay hindi magtatagal,maging ang buhay niya'y madali ring papanaw.

30. Sa gitna ng dilim siya'y makukubkob,siya'y matutulad sa punongkahoy na nasunog,na ang bulaklak ay tinatangay ng hangin.

31. Dahil nagtiwala siya sa kahangalan,kahangalan din ang kanyang kabayaran.

32. Maaga niyang tatanggapin ang kanyang kabayaran,tulad ng sangang nalanta, di na muling mananariwa.

33. Makakatulad niya'y ubas na kahit hilaw na bunga'y nalalagas,at tulad ng olibo na ang mga bulaklak ay nalalaglag.

34. Walang matitira sa lahi ng masama,masusunog ang bahay na sa suhol nagmula.

35. Ganyan ang mga taong nagbabalak ng kasamaan,pandaraya ang palaging nasa puso at isipan.”

Job 15