Job 15:1-7 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. Ang sagot ni Elifaz na taga-Teman,

2. “Mga salita mo'y pawang kahangalan,ang sinasabi mo ay parang hangin lang.

3. Ang sinasabi mo'y salita ng isang hangal,di ka maililigtas ng salitang walang saysay.

4. Kung ikaw ang masusunod, wala nang matatakot sa Diyos,at nais mong hadlangan ang sa kanya'y dumudulog.

5. Kasamaan mo'y nahahalata sa iyong mga salita,nais mo pang magtago sa mga salitang may daya.

6. Kaya nga ang humahatol sa iyo ay hindi ako,salita mong binibigkas ang humatol sa iyo.

7. “Akala mo ba'y ikaw ang unang taong isinilang?Nauna ka pa ba sa mga kabundukan?

26-27. Ipinagmamalaki pa ang ginagawang pagsuwayat ang palagi niyang hawak ay kanyang kalasag,at ang hangad ay habulin at labanan ang Maykapal.

Job 15