3. Titingnan mo pa ba ang ganitong nilalang?Dadalhin mo pa ba siya sa hukuman?
4. Mayroon bang malinis na magmumula,sa taong marumi at masama?
5. Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw,at bilang na rin ang kanyang mga buwan,nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan.
6. Lubayan mo na siya at pabayaan,nang makatikim naman kahit kaunting kaginhawahan.
7. “Kahoy na pinutol ay may pag-asa,muli itong tutubo at magsasanga.
8. Kahit pa ang ugat nito ay matanda na,at mamatay ang puno sa kinatatamnan niya,
9. ngunit ito'y nag-uusbong kapag diniligan, ito'y magsasanga tulad ng batang halaman.