1. “Ang buhay ng tao'y maikli lamang,subalit punung-puno ng kahirapan.
2. Tulad ng bulaklak na namumukadkad, nalalanta at nalalagas,parang aninong nagdaraan, naglalaho at napaparam.
3. Titingnan mo pa ba ang ganitong nilalang?Dadalhin mo pa ba siya sa hukuman?
4. Mayroon bang malinis na magmumula,sa taong marumi at masama?
5. Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw,at bilang na rin ang kanyang mga buwan,nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan.