Job 13:1-6 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

1. “Lahat ng sinabi mo ay narinig ko na rin,

2. Ang alam mo'y alam ko rin,hindi ka higit sa akin.

3. Hindi kayo ang kausap ko kundi ang Diyos na Makapangyarihan,sa kanya ko idudulog itong aking kalagayan.

4. Ngunit kayo'y mga sinungaling,tulad ninyo'y manggagamot, na walang kayang pagalingin.

5. Tumahimik na lamang sana kayo, baka akalain pa ng iba na kayo'y matalino.

6. Pakinggan ninyo ngayon ang aking sasabihin, at ang aking panig ay inyong unawain.

Job 13