Job 12:11-15 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

11. Nalalasahan ng dila ang mga pagkain,naririnig ng tainga ang salitang dumarating.

12. “Ang matatanda ay may taglay na karunungan,pinalawak ang unawa sa haba ng karanasan.

13. Ngunit likas sa Diyos ang kaalaman at kapangyarihan,taglay niya'y karunungan at katalinuhan.

14. Walang makakapagtayo muli ng kanyang giniba,sinumang ikulong niya'y walang makakapagpalaya.

15. Nagkakaroon ng tagtuyot kapag pinigilan niya ang ulan,dumarating ang baha kapag tubig ay kanyang pinakawalan.

Job 12