Jeremias 9:2-4 Magandang Balita Biblia Revisi (RTPV05)

2. Sana'y may mapagtaguan ako doon sa disyerto,kung saan malayo ako sa aking mga kababayan.Sila'y mapakiapidat pawang mga taksil.

3. Sila'y laging handang magsabi ng kasinungalingan;kasamaan ang namamayani sa halip na katotohanan.Ganito ang sabi ni Yahweh:“Sunod-sunod na kasamaan ang ginagawa ng aking bayan,at ako'y hindi nila nakikilala.”

4. Mag-ingat kayo kahit sa inyong mga kaibigan,kahit kapatid ay huwag pagkatiwalaan;sapagkat mandaraya lahat ng kapatid, katulad ni Jacob,at bawat isa'y naninira sa kanyang kaibigan.

Jeremias 9